Countdown Til Euen's First Birthday

 Baby Birthday Ticker Ticker

Friday, October 22, 2010

Para sa taong nag-aabang ng susunod na blog entry ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo.
Hindi ko din alam ang gagawin ko.

Kapag sumigaw ako, lalabas ba ang bigat ng nararamdaman mo?
Kapag nalungkot ba ako, sasaya ka ba kahit konti?
Kapag nasaktan ako, mababawasan ba ang sakit mo?
Kapag umiyak ba ako, konti na lang ba ang iluluha mo?

Marahil,
Hindi.
Pero,
Sana.

Pupuntahan kita.
Makikinig ako.
Sasamahan ka.
Yayakapin kita ng mahigpit.

No comments:

Post a Comment