Countdown Til Euen's First Birthday

 Baby Birthday Ticker Ticker

Sunday, December 6, 2009

Happy Birthday Shashing


Exerpts from the surprise AVP to Shashing.
Mga tanong:
1. Bilib ako kay Elijah dahil sya ay:
2. Ang natatanging karanasan ko kasama si Elijah ay nung:
3. Dahil 27 taon na si Elijah, dapat lang ay:


Mga sagot ni Bamba:
1. mayroong parlor sa Marikina na ang ipangalan sa kanya, "Elijah Gaganda Ka!" Salon.

Mga sagot ni Mama Cherub:
1. magaling sya sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin. Sinisigurado niyang buong puso ang ibubuhos niya sa mga ginagawa niya kaya't maganda ang kinalalabasan ng mga ginagawa niya. "Magis" ba.
2. nung bata pa kami at tinulak nya ako sa kalsada sa lubak lubak na bahagi. Hindi naman ako nasagasaan, nasugat lang. Pinatawad ko na siya sapagkaat habang tumatanda kami, ilang beses na niya akong pinagtangool, inalagaan at tinulungan at bawat sandali, pinapakita niyang mahal niya ako. Kaya't pinagtatawanan na lang namin ang kwentong yon dahil hinid pa rin namin alam kung bakit niya ako tinulak.
3. matuto na siyang magsaing at magluto bukod sa pansit canton, pancake, hotdog, itlog at iba pang mga prito. Dapat ay aralin na niya ang sinigang ni papa at ang spaghetti ni mommy para hindi niya ito mamiss kung malayo siya sa amin.

Mga sagot ni Nuni:
1. magaling sa lahat ng kanyang mga narating at nagawa sa buhay, matapang sa mga pagkakataong kailangan, nakakapagpakita ng kanyang pagmamahal sa sarili nyang paraan.
2. nung magkasabay kaming nagpu-pupu sa isang toilet bowl nung bata kami. Back to back.
3. sagutin ka na nya!

Mga sagot ni Papa:
1. dalawang kutsarang kanin at isang saging ay busog na busog na siya.
2. yung araw na hanap ako nang hanap ng patay na daga sa bahay... yun pala, paa lang niya yung naaamoy ko.
3. matuto na siyang magligpit ng kama pagkagising.

Happy birthday Shashing.

No comments:

Post a Comment