Isang araw na nagtipon tipon.
Isang araw na isinantabi muna ang mga problema at mga alala.
Humawak ng mikropono, kumanta.
Sumayaw.
Tumawa.
May pinsang baklang babae na ka-duet ng ate na BAWAL nang pakantahin. May poging tandem ng magkapatid na kahit na "Magdelana" ay kakantahin. May isa pang poging pinsan na kakanta ng "Bongga ka, Deeday!"
Sa pagtatapos ng araw, Sa pagpatapay ng mikropono. Sa pagkanta ng Closing Time at Give Love on Christmas Day at sa pagbalik sa tunay na buhay,
Ako ay nakangiting haharap sa bagong araw.
Dahil alam kong andidito pa rin kami para sa isa’t isa.
Masaya akong maging parte ng pamilyang ito.
Kahit na ONG na ako, ako pa rin ay isang Marcial,
at proud akong maging Marcial.
No comments:
Post a Comment