Countdown Til Euen's First Birthday

 Baby Birthday Ticker Ticker

Friday, September 26, 2008

Para kay Chime

Paano sasabihin?
Bilang na bilang naman ang mga “heart to heart” na usapan natin.

Paano ipaparamdam?
Kahit na dulo ng daliri ay alaganan akong hawakan.

Paano aalagaan?
Kung ayaw mo naman magpaalaga.

Paano ipapakita?
Wala ka namang nagugustuhan.

Paano pasasalamatan?
Kung hindi mo naman tinatanggap.

Paano mamahalin?
Iisang tao lang naman ang nakita kong minahal mo.

At binilin ka nitong taong ito sa amin.
Kaya susubukan, at hindi susukuan.
Hindi ka papabayaan, hindi ka namin iiwan.

No comments:

Post a Comment