Countdown Til Euen's First Birthday

 Baby Birthday Ticker Ticker

Friday, November 5, 2010

The wife of Mr. Potatohead

Since Toy Story 3 and Ikoy getting Mr. Potatohead, he has long been searching for Mrs. Potatohead. For Ikoy, she is "Mises" (pronounced as read).

Last week, Mamacherub finally found her. And she's my Christmas gift for Ikoy. But Mamacherub couldn't resist telling the little boy, thus, he didn't stop until I agree to let him see the "Mises."


He played with the box, with Mr. Potatohead. He asked too many questions and told me to me read what's in the box, meticulously looking at the pictures at the back of the box and the accessories inside. He was happy but contentment will only come when the box is opened, and we have to teach him to be patient.

"Nuni, pwede ba si Mr. Potatohead na lang sa loob ng box tapos si Mises na lang sa labas?"

He had to try...

Monday, November 1, 2010

The Magician

Sa Loyola, magkatapat kaming nakaupo ni Ikoy sa maliit na stool. Si Papa, nasa tabi ni Ikoy.

Parang nagningning ang mga mata ni Ikoy at excited siyang sumigaw,

IKOY: Nuni!!! Magmamagic ako!!!

Pinakita niya ang takip ng mineral water sakin. Nilagay sa isang kamay niya. Pagtapos, nilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod. Pagkalabas ng dalawang kamay niya, nakasara itong hinarap sakin.

IKOY: Nasan?
Nuni: Dito? (Tinuro ko ang isang kamay.)
IKOY: (Binuksan ang kamay niya.) Wala. (At inulit ang tanong.) Nasan?
Nuni: Dito? (Tinuro ko ang kabilang kamay nya.)
IKOY: (Binuksan ang kamay na ito.) Wala din! (Sabay tayo at kinuha ang takip sa stool.) Ayun! Magic!!

Natuwa kami at mukhang natuwa siyang natuwa kami.

IKOY: Ulit! Isa pa Nuni, magic ulit ako!

Inulit niya ang ginawa nya, tinanong-tanong ulit ako. Pero kinuha ni Papa ang takip bago pa man siya tumayo.

IKOY: Nawawala ang takip! (Nag-aalala.)
Papa: Ito o… nasa ears mo! (Nilabas ni Papa ang takip, waring nanggaling sa tenga ni Ikoy. Mukang naniwala ang bata.)
IKOY: Oo nga! Isa pa Nuni, magic ulit ako!

Inulit niya ang ginawa nya, tinanong-tanong ulit ako. Kinuha ulit ni Papa ang takip.

IKOY: Nasan na yung takip, Papa?
Papa: Ito o… nalaglag galing sa ears mo! (Nilabas ulit ni Papa ang takip, waring nanggaling sa tenga ni Ikoy, sabay nilaglag sa grass. Pinulot ni Ikoy ang takip.)
IKOY: Oo nga! Isa pa Nuni, magic ulit ako!

Unulit niya ang ginawa niya, pagkatapos ako tanung-tanungin, kinuha ni Papa ang takip pero sa pagkakataong ito, ayaw ilabas ni Papa.

IKOY: Papa, nasan na ang takip?
Papa: Hindi ko alam, hindi ko kinukuha.
IKOY: Ano yang takip na nasa hands mo?
Papa: Hindi ito sayo, takip ito ng water ko!

Naghanap ni Ikoy sa stool, sa grass, sa paligid, hindi niya makita. Humawak siya sa tenga nya, ginalaw galaw ito, tumalon-talon ng hawak ang tenga, nakabaling sa gilid ang ulo, sabay tumingin sa grass.

IKOY: Wala naman sa ears ko. Hindi naman nalaglag sa grass.

Tawa kami ng tawa lahat.