Countdown Til Euen's First Birthday

 Baby Birthday Ticker Ticker

Friday, July 6, 2012

Paalam Nanay Norma


May kasabihan, "Ang isang ina, isusubo na lang, ibibigay pa sa kanyang anak." At ito ay nakita ko kay Nanay Norma, kung gaano nya kamahal ang kanyang mga anak, hanggang saming mga apo nya. Sa 82 years ng buhay ni Nanay, halos 60 years nito, sya ay ina. Ako, five months pa lang akong ina sa aking anak kung kaya't hindi ko maimagine kung gaano kalaki ang pagmamahal, pag-aaruga at pagsasakripisyo ang ibinigay nya sa kanyang mga anak.

Labingisang taon nang wala ang mommy ko, kaya tuwing ako'y nangungulila, ididial ko lang ang numerong ito: 9038125, at maririnig ko na ang mataas at matinis na "Hello?", ang boses ni nanay. Magkakamustahan at magkwekwentuhan na kami at bago ibaba ang telepono, hahalik muna sya ng madami at sasabihing mahal nya ako. Napakaraming naming mga kwento at fond memories with nanay, bawat apo ay may isang di malilimutang alaala kasama si nanay, simula nung bata pa kami hanggang sa huli.  Ako, si Nanay ang naghatid sa akin sa altar noong araw ng kasal ko. Palagi kong sinasabing pagdasal nyang magkababy na kami, kasi sabi ko, alam kong malakas sya kay God. At noong buntis ako, alam kong nag-alala sya para sakin at sa baby ko. Kung kaya't masayang masaya kami na nakita at nahawakan nya ang kanyang great grandchild.

Ngayon, tapos na ang paghihirap ni Nanay, masaya na sya kasama si Tatay, at si mommy. Sana sa pagkawala ni Nanay, manahin natin mula sa kanya kung gaano kalaki ang pagmamahal nya sa kanyang mga anak, kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya.

We love you Nanay Norma. We'll miss you.

No comments:

Post a Comment