He woke me up at 8AM, (note that I slept at 4AM because we watched a horror movie after we had our Noche Buena) because there were visitors and I had to prepare food. But it was perfectly fine, feeling that he needs me and he relies on me to help him, it's a push to get up from the pillows and soft sheets.
After the visitors left, we went to La Loma. This is the father-side Christmas Party a.k.a. reunion. For the past five years, get-togethers like these had been sad -- quiet maybe. There was something hidden inside each one's heart. Even though no one dared to say a word about it, the emptiness is very implicit on the silence and timid reactions. So, this year, I decided to make the presentation, like the one I did for the family of my mom. And being a panic-girl that I am and being the critic-type of them, I was scared that they won’t appreciate it and won’t pay attention to it. But as the song played, slide per slide, I heard laughter and cheers for every picture and description. And that was the best gift that I received from them.
This year, we didn’t dwell on those that weren’t with us anymore, but looked on the new family members that are with us this year: three new babies in our family. And best part is seeing how happy he was with Iko.
Picture taking wasn’t easy with these grown ups. We call on each family for a picture but all goes to the background and pose as extras. All of us had a good laugh.
At the end of the holidays, I got sick. Over fatigue I guess. But then again, it is all worth it.
Tuesday, December 26, 2006
Monday, December 25, 2006
Christmas: The Day Before
We first thought that mass was at 830pm. But it was 10:30pm, so they had to stay at my apartment to wait for a while. I always look forward when he goes to my apartment. He never says anything unpleasant about me and somehow, I am hoping he acknowledges that I am living on my own and I am doing just fine, living on my own. After the mass, we went home and exchanged gifts. Having opened the gifts from my adorable pretty sisters that I already knew because I hand-picked them, I was still excited. I also loved the part when they opened the gifts that I had for them. Well, they hand-picked them as well. The best part was when he opened our gift. This was the first time that he didn’t have a bad reaction to our gift but I felt he was thrilled to have it.
Sunday, December 24, 2006
Real Life Precious Moments Doll
Have you ever seen a “real life Precious Moments Doll”? Well, last December 23, on our Family reunion, I’ve seen my little cousin Paula and she is indeed a real life Precious Moments Doll. With her nice little eyes, her curly hair and the petite smile. Once a year, it’s a must that we get together, prepare a little dinner and celebrate our Nanay’s birthday. This year was extra fun because I made a little presentation for them to watch, with little Thea crying on the part where we commemorated family members who aren’t with us anymore. We also had fun “family-trivia” games and newspaper dance where I and 2 little girls fit in a “one-sixteenth fold” newspaper. Of course, we couldn’t miss the “almost one-hour prayer” of Nanay where she enumerated each family, each member of the family and the rest of the universe.
Christmas is indeed a fun holiday for me. I get to see my cousins that were once-babies but are all grown-up now. Could remind me that I am really getting old, but it’s worth it. Seeing them, catching up with each others’ lives… it’s all worth it. We’ve made Nanay feel special and at the same time, we all celebrate the birth of Jesus for all mankind.

Monday, December 18, 2006
Surprise
Ang araw ng kasal ng bestfriend ko. Matapos ang isang taong paghahanda at preparasyon, sa araw na ito na magaganap ang lahat. Maaga ako pumunta sa hotel para tumulong sa mga kailangan pang gawin sa araw na yon. Napakaganda nya. Kahit na nakangiti at kalmado ang itsura ng mga tao doon, ay alam ko pa ding excited at kinakabahan sila. Bakit? Kasi ako, naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko pagpasok sa hotel.
Sinubukan kong ilagay ang presentation na ginawa ko sa laptop nila. Pagtingin ko, 2007 beta version ang software na gamit nila. Sinubukan ko patakbuhin ngunit sa kasamaang palad, hindi sakto ang tugtog sa mga slides na ginawa ko. Sinubukan kong i-edit at ayusin pero nararamdaman kong hindi na ako aabot sa tamang oras. Alas-singko na, hindi pa ako bihis at wala pa akong make-up o kung anuman man, kaya naisip ko, bahala na. Inayusan na ako, nagpunta na sa simbahan.
Naglakad sya sa gitna ng simbahan na may napakagandang ngiti at tuwa sa kanyang mga mata. Para bang tagos hanggang sa puso ang kasiyahang nararamdaman nya. Sa ilang taong nakilala ko sya, ngayon ko lang nakita ang ngiting iyon at dahil dito, lalo pa ako naging kuntento at sigurado.
Ang vows. Nasa akin ang vows at nilagay ko sa upuan nila. Pero hindi ko nasabi sa kanya. Baka hinahanap nya, baka natataranta sya. Buti na lang ang role ko ay may karapatang tumayo at lumapit sa kanya kahit anong parte ng seremonya. Kaya’t lumapit ako, kunyari inayos ang belo sya at binulong, “Ang vows mo, nakita mo na?” At andun na naman. Tinignan nya lang ako at binigyan ng ngiting iyon.
Maliit lang ang simbahan kaya’t punung puno ito ng mga tao. Nagpalitan na sila ng vows. Kinantahan nya siya. Naiyak ako. Sinabi nya ang vows nya, mas lalo akong naiyak. At pagtingin ko sa mga tao, napakarami sa kanila ang naluha at naiyak sa pagpapalitan nila ng mga pangako sa isa’t isa.
“You may kiss the bride.” Napuno ang kalahati ng simbahang ng tinawag na mga pamilya para sa pagkuha ng litrato.
Sumunod na ang reception. Mabuti na lang at andon ang magaganda kong mga kapatid, bukod sa pagiging coordinator, sila pa ang sumalo ng mga trabaho ko dahil muli ko nang ginawa ang presentation. Sinubukan kong ayusin pa ng onti ngunit malapit nang matapos ang programa kaya’t naisip ko, “Bahala na si batman!” Tumayo at nagsalita na sa harapan. Nagpaliwanag pa ako ng madami sa mga tao at saka na nagsimula ang presentation ko.
Part 1. Nagulat sila dahil hindi nila alam kung saan ko kinuha ang mga laman non. Ngunit, natapos na ang kanta pero meron pang anim na slides na hindi pa tapos. Part 2. Sa isang mahalagang parte, tumigil ang slide at ayaw na tumuloy, tumakbo ako sa laptop, pero wala na akong nagawa kaya naputol at parteng ito. Kaya’t tumakbo na ako pabalik sa kanilang dalawa, lumuhod sa harap nila at sabay nag-sorry at itinago ko ang mukha ko sa harap nilang dalawa. Part 3. Hindi na ako umalis sa pwesto ko. Pinagdasal ko na lang na sana, wala nang kapalpakan pa dito. Sa kalagitnaan nito, naiyak sya at nagalit sakin dahil pinaiyak ko daw sya. At sa puntong ito, hindi ko alam kung umiiyak ako dahil palpak ang ginawa ko, o dahil na din sa naiiyak sya. Sa palagay ko, naiyak na ako dahil naramdaman ko ang hawak nilang dalawa sa akin. Ang mahigpit nilang hawak sa aking mga kamay, sa aking braso at dito, napawi na ang mga alala ko.
Natapos na. Nag-uwian na ang mga tao. Nagpaalam na ako, niyakap nila ako ng mahigpit at nagpasalamat. Isang masayang araw. Isang magandang simula.

Wednesday, December 13, 2006
Sa sarili nyang paraan: Christmas party part 2
Tumingin ako sa internet para malaman kung pumasok na ang sweldo. Nagulat ako dahil mayroong pumasok eksaktong halaga ng premyo na nawala sa envelope. Napag-isip ako, saan galing ito...tinawagan ko sya para itanong kung nagdeposit ba sya sa account ko, sabi nya. "Oo. Para yan dun sa premyo. Kung pagbayarin ka nila, yan ang ang ibayad mo." Wala ako nasabi kundi isang tahimik at nakangiting "Thank you." Sa sarili nyang paraan, pinakita nyang mahal nya ako. Pinakita nyang nag-aalala sya at gusto nyang mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko. At dahil dito, buo na ang araw ko.
Syempre, hindi ko naman babayaran ang premyo. Pero kahit na ano pang mangyari sa araw na ito at marahil sa mga darating pang mga araw, masaya ako at pinagpala.
Bukod pa sa kanya, andyan ang bestfriend ko na marinig ko lang ang hello sa telepono kanina ay mapapangiti na ako. Mayroon ding powerpuff girl na nagtanggol sakin. Andyan si kuting na sinahaman ako matulog noong isang gabi at si tadpole na nilibre pa kami.

Monday, December 11, 2006
Christmas Party 2006
Matagal ko na ginawa ang blog na ito pero naisip kong dapat sa unang beses na magpopost ako dito ay may ikwekwento talaga ako. Medyo umaasa akong magandang kwento sana ito, pero sa kasamaang palad, hindi masyado.
Matagal na pinaghandaan ang pagdating ng December 8 para sa mga tao dito sa pinagtratrabahunan ko. Dahil ito ang araw ng Christmas party namin. Taon - taon, inaabangan at pinaghahandaan ang palabas ng mga grupo. Wala akong balak pumunta dito at wala din akong balak na sumali sa pagtatanghal. Ngunit sa unang araw ng meeting, ako ang naatasang gumawa ng script. Naisip ko, mas mabuti na sigurong gumawa ng script kesa naman sumayaw o kumanta sa harap ng tao. Ilang linggo ng ensayo, pahirap magtawag ng mga tao, pag-aayos ng script at kanta, pag-tuturo ng choreography at kung ano ano pa.
Sa gabing iyon, natapos ang pagtatanghal. At hindi man first place, nanalo pa din ang grupo namin. Ako ang tumanggap ng pera. Naisip ko lang, "hay salamat, natapos na din." at nilagay ang premyo sa bag ko.
Kakaiba ang araw na ito para sa akin. Hindi ako sigurado kung sasama ba ako sa tinatawag kong "barkada" ko dati na hindi ko na barkada ngayon dahil sa isang pagtatalo. Ito ang unang pagkakataon na pwede kaming magsama-sama ulit. Nung una'y nagdadalawang isip pero sa kalagitnaan ng gabi, tinawag ko na si Kuting at sumama sa grupo. Kakaiba ang pakiramdam pero hindi ko na lang pinaka-isipan. Kumuha ng litrato ang grupo. Onting kwentuhan, onti saya dahil sa pag-aalinlangan.
Nag-uwian. Tinanong ko si Kuting kung masaya ba sya. Oo naman daw. Pagdating ko sa bahay, wala ang envelope ng premyo sa palabas. Naghanap ako, nataranta. Pero wala. Ilang araw kong dinala ito at umaasang mababawasan ang bigat ng pakiramdam sa pagpasok ko.
Pero hindi. Ngayon, lalong bumigat. Ngayon ko napatunayan na ang barkada noon ay wala na nga ngayon. Nasa litrato kasama ng grupo ang envelope ng premyo. Kasama ng nawalang premyo ang nawalang pagkakaibigan, nawalang samahan.

Subscribe to:
Posts (Atom)