Countdown Til Euen's First Birthday

 Baby Birthday Ticker Ticker

Wednesday, January 16, 2008

CIFFART!

If she has this line, ‘Chawo, Chawo, may zoo ba sa Cebu?’ from me, I have the title above as the tag line for her. Before meeting her in person, we had a couple of conversations already. I was very excited to finally see her.

"CIFFART! CIFFART!", with a high pitched tone on a bass voice, sounded weird, the first time she said this out loud. I thought it was a word in Bisaya. But this, she shouted out of the blue, in the middle of the traffic in Edsa, on our way to watch a movie. A little explanation and we know now what it means. They kept on repeating the word, but I couldn't say it.

Three times she went here and spent time with us: lunch at Leslie’s, trip to the zoo in Tagaytay, movie, mall shopping, plus the special visit to the kids in Cribs! At the end of every day, we look forward to the brewed coffee before going to bed, who gets to take a bath first and the never-ending laugh (‘Justin, matulog ka na, nakangiti ka pa rin!’), before finally sleeping.

In those times, she gave a warm acceptance in our welcome. And I feel, she’s part of our family, officially.

Charo, I am excited to see you soon! Again!

Tuesday, January 15, 2008

Tito Rey

I will never forget the look on his face when he visited mommy in the hospital, a few years ago. I do not have a good singing voice but as mommy requested, I was singing Tanging Yaman for her when Tito Rey came in. He stood at the other side of the bed, his face stooped down, gloomy and sad. It seemed like he wanted to say something, but he’s trying hard to hide it, trying to put on a smile on his handsome face. “… sulyap ng yong, kagandahan..” At this point, he couldn’t contain his emotions and just cried out, “Ate!” and literally cried, and hugged her.

Tito Rey is mommy’s younger brother. My sisters always thought that he has the kindest heart, of mommy’s brothers. He has this comforting voice in the sweetest tone, when he greets us and calls our names. But we seldom see him in our reunions because he was always busy and he needed to attend to his own family. This year, all of us were very glad because he was able to attend Nanay’s birthday. It was a must that he joins every family picture. And finally, we were able to give our gift for him this year. The Christmas reunion became even merrier. Indeed, a time for family, sharing and love.

Tuesday, January 8, 2008

Being A Mommy

I kept on denying to myself that my baby is pregnant. I didn’t really want her to be pregnant because I still think of her as my baby. Even if her tummy is growing big and everybody’s telling that she’s pregnant, I still didn’t want to believe.

I was scared. That I won’t know how to take care of her and her babies. I was afraid that a baby might not survive at birth, I was even more afraid that she might not feed them, or clean them.. they might get sick and I will die if something bad happens to the babies, and even to her.

Last night, when we got home, it was very unusual because both of them weren’t excited. I didn’t hear their usual greeting. As I went inside, he was just sitting on cage, giving me a mesmerized and scared look. As I came nearer, I heard tiny voices, cries. Then I saw her holding her little babies! I was shocked and I panicked! Their small legs are passing through the grilles of the cage, so I called Dennis to take them inside.


Three new lives. Three little white babies. Three little Caspers and Cotton tucked and tangled in their mommy’s legs. Sometimes feeding on their mommy’s milk, crawling.. crying.. then sleeping.

I was proud of Cotton because he was the daddy! But I am even more proud of Casper! She did it! She made it! She brought her babies out, on her own. And she immediately knew how to clean them, feed them, hug them, take care of them.

I was amazed! My baby knew how to be a mommy. Now I know. Being a mommy is an instinct. When you’re baby is there, in front of you, you will know what to do.

This goes out to somebody I know who will soon be a mommy too.

Monday, December 17, 2007

A love story based on a half true story...

Nag-away sila. Gusto niyang umalis na siya at ayaw na niyang magkasama pa sila.

“Hindi ka na magbabago, hindi na kita matru-trust ulit. Umasa lang ako na mapapakita at mapaparamdam mo saking mahal mo ako pero pagod na ako. Ubos na ang pagmamahal ko sayo. Pagod na ako. Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo.”

Pero hindi niya kaya. Nagsisisi siya sa nangyari at gusto niyang iparamdam na ayaw niyang maghiwalay sila.

Unang madaling araw, dumating siya patapos na ang misa. Inabutan na lang niya ang Peace be with you. Pero hindi siya nagawang lingunin o bigyan man lang ng peace nito, di tulad ng dati na hahalik ito sa pisngi with a smile. Humalik na lang siya sa kanyang noo. Pagtapos ng misa, umalis na sya. Pero text siya ng text. Lagi niya sinabi kung asan na sya.. kung ano nangyayari sya kanya. Bawat oras, nangangumusta. Nagsasabi ng magagandang salita.

Sa ikalawang madaling araw, maaga siya. Pagdating sa Ama Namin, hinawakan niya ang kanyang kamay ngunit binitiwan niya ito. Hindi na niya pinilit ngunit bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha. Tahimik sya hanggang paghatid.
“Bukas na lang ulit... Mahal kita.”

Sa ikatlong araw, siya pa ang nanggising sa kanya. Pagtapos ng misa, papunta sa kotse, hindi niya ito napagbuksan ng pinto. Pero sa loob ay mayroong bulaklak. Hindi ito pinansin kaya’t nilagay na lang nya sa likuran. Pagdating sa bahay, nag-almusal sila. Pagkaalis, di pa rin pinansin ang bulaklak. Tinuloy lang araw na para bang walang nangyari.. pagdating ng bahay, niligpit ang bulaklak, nilagay sa vase.. binasa ang nakasulat.
“Sorry. Hindi ko gustong mawala ka. Wala akong ibang gusto makasama, maliban sayo. Mahal na mahal kita.”
Nakakangit pero, hindi pa rin ito sapat.

Sa ikaapat na araw, bago dumating sa kanila, nagtanong na siya, “Gusto mo pa ba akong makasama sa pagsimba?”
“Let’s see...” yun lang ang sagot na nakuha niya.
Pero nagpunta pa rin siya.. nagsimba pa rin sila.
Pagkahatid, sabi lang niya, “Sana huwag na tayo mag-away. Mahal na mahal kita.”

Sa ikalimang araw, pinipigilan maglambing, pinipigilang magsabi ng magagandang salita. Tiniiis. Iniisip na, tingnan natin kung makakaya ang siyam na madaling araw na paggising ng ganito. Ngunit, dumating pa rin siya. Just in the nick of time.
Bago siya umalis, nagtanong sya, “Bati na ba tayo?”
Pero wala siyang sagot na nakuha.

Sa ikaanim na araw, pagsakay sa kotse, dalawang take-out food na breakfast ang dala niya, kasamang mainit na tsokolate.
“Breakfast tayo. Pero hindi mo kailangang magluto. Dinalhan kita ng paborito mong take out breakfast. Pinaluto ko ang itlog sa lutong gusto mo, may sabaw.”
Tinago ang ngiti. “Baka malate ka kung kakain pa tayo.”
“Hindi, ok lang malate ako. Ok lang mag-absent o maghalf-day. Ikaw naman ang kasama ko. Sulit naman ang oras ko. Walang katumbas na sweldo ang bawat minutong kasama kita.”
At saka nila pinagsaluhan ang agahan.

Sa ikapitong araw, paghatid pauwi, sabi niya, “Diba, kapag nakumpleto ang siyam na gabi, pwede akong magwish at matutupad ito?”
“Sabi nila, oo. Kapag nakumpleto mo.”
“Alam mo ba kung anong iwiwish ko?”
“Huwag! Wag mo nang sabihin, hindi magkakatotoo ang wish kapag sinabi mo ito sa ibang tao.” Tumahimik na lang sya saka nagpaalam.

Sa ikawalong araw, pauwi, inuubo na siya medyo sinisipon. Bakas sa mga kanyang mukha ang panghihina at nananamlay na ang kanyang mga mata.
“May sakit ka ba? Napupuyat ka ata masyado. Napapagod ka ata at hindi kumakain sa oras.”
“Ok lang ako.” Sabay pasok sa loob ng bahay.

Sa ikasiyam na araw, nagising pero hindi makabangon sa kama. Mabigat ang katawan, masakit ang ulo. Pagtingin nya sa oras, lagpas na! Tapos na ang misa. Nagpanic, ngunit hindi makatayo. Biglang may nalagay ng malamig na bimpo sa kanyang noo.
“Magpahinga ka, wag ka nang tumayo.”
“Pano ang simba? Hindi ko na makukumpleto.”
“May sakit ka, hindi na kaya ng katawan mo. Magpahinga ka na lang.”
“E ikaw? Nakapagsimba ka ba? Nasimulan mo ba? Natapos mo ba? Nakumpleto mo?”
Ngumiti lang siya. “Mas kailangan mong andito ako para alagaan ka. Maiintindihan Niya yon.”
“Pero.. pero.. pano ang wish mo? Ang wish… ”
“Ssshhhhhhhhh…. Ang wish mo? Ang wish ko? Ok lang. Hindi pa tapos ang siyam na araw, natupad na ang wish ko. At alam ko ring natupad na ang wish mo.”
Nakangiti niyang sinabi.
“Pano mo…… ”
“Ssshhhhh… ” nakangiti, hinawakan niya ng dalawang kamay ang kanyang pisngi.
“Mahal na mahal kita. Pagkatapos ng siyam na madaling araw, alam ko na kung ano ang kailangan mo. Alam ko na kung ano ang gagawin ko. Ako na ang bahala.”
Sabay halik sa kanyang mga labi.

Friday, December 7, 2007

Gitna

Sa aming magkakapatid, sya ang pinakamatapang. Umiiyak lang sya kapag sobrang natatawa, pero bukod dito, hindi na. Kahit pa noong araw na nilibing si mommy, hindi sya umiyak. Sa ilang taon niyang nabuhay sa mundo, ako ay saksi dito. Simula pagkabata, sabay pa kami naliligo noon, at terno palagi ang aming damit, pink lang sa kanya at yellow sa akin. Ang tanging paborito ni Chime, kahit isang beses, hindi yata napagalitan ito.

Sa pag-aaral, napakalayo niya sa akin dahil bukod pa sa matalino sya, napakasipag pa niya. Iskolar noong kolehiyo, nauna pa syang matapos sa pag-aaral, nauna pa syang magtrabaho sa akin. Senyoritang kapatid, kahit na mas matanda ako sa kanya. Para bang prinsesa kung mang-utos... pero ayos lang, alam ko namang lambing lang yon.

Ngayon sa trabaho, pinamalas din nya ang kanyang galing at talento. Mataas pa ata ang sweldo nito sa akin. Pero hindi sya madamot dahil hinahatian naman niya kami at binigyan kapag meron sya. At kahit ganon pa man, walang inggit akong nararamdaman. Ako lang ay isang ”proud sister,” proud ate sa kanya.

Nakakatakot galitin itong taong ito. Dahil nanapak talaga. Kaya nga ingat kaming maging kaaway siya. Pero hindi lang siguro dahil nakakatakot siya, pero kasi, kapatid namin sya at mahal namin sya.

Laging kasama sa pagbigay ng sopresa, pero napakahirap gawan ng sorpresa. Kaya’t sa kaarawan niya, ginawa na lang namin ang lahat ng aming makakaya. At mukha namang napasaya nga namin sya.

Happy Birthday Lij!

Monday, December 3, 2007

Videoke


Isang araw na nagtipon tipon.
Isang araw na isinantabi muna ang mga problema at mga alala.
Humawak ng mikropono, kumanta.
Sumayaw.
Tumawa.
May pinsang baklang babae na ka-duet ng ate na BAWAL nang pakantahin. May poging tandem ng magkapatid na kahit na "Magdelana" ay kakantahin. May isa pang poging pinsan na kakanta ng "Bongga ka, Deeday!"

Isang napakalaking achievement dahil napakanta pa namin ni Gio! Ayaw niya ng "The Greatest Love of All", kahit anong pilit ang gawin namin. Salamat sa Eraserheads! Ito lang pala ang solusyon.


Salamat at Happy Birthday, Cho-choy! Welcome to the family, Chawo.





Sa pagtatapos ng araw, Sa pagpatapay ng mikropono. Sa pagkanta ng Closing Time at Give Love on Christmas Day at sa pagbalik sa tunay na buhay,
Ako ay nakangiting haharap sa bagong araw.
Dahil alam kong andidito pa rin kami para sa isa’t isa.
Masaya akong maging parte ng pamilyang ito.
Kahit na ONG na ako, ako pa rin ay isang Marcial,
at proud akong maging Marcial.

Thursday, November 29, 2007

After a month...

I wrote:
Dear bubbles,
Miss na kita. Pinanood ko ulit ngayon yung TVJ AVP mo. Kasi baka makalimutan ko how you look like. And I don’t want to forget.. And I miss you terribly. So much, that it’s starting to hurt..
Sorry.

Bubbles wrote:
I'm sorry ... wag mo naman sana ako makalimutan... super lubog lang talaga ako ngayon.... miss you so much too... kung pwede nga lang bumalik ako, honestly gagawin ko eh...