Nag-away sila. Gusto niyang umalis na siya at ayaw na niyang magkasama pa sila.
“Hindi ka na magbabago, hindi na kita matru-trust ulit. Umasa lang ako na mapapakita at mapaparamdam mo saking mahal mo ako pero pagod na ako. Ubos na ang pagmamahal ko sayo. Pagod na ako. Mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo.”
Pero hindi niya kaya. Nagsisisi siya sa nangyari at gusto niyang iparamdam na ayaw niyang maghiwalay sila.
Unang madaling araw, dumating siya patapos na ang misa. Inabutan na lang niya ang Peace be with you. Pero hindi siya nagawang lingunin o bigyan man lang ng peace nito, di tulad ng dati na hahalik ito sa pisngi with a smile. Humalik na lang siya sa kanyang noo. Pagtapos ng misa, umalis na sya. Pero text siya ng text. Lagi niya sinabi kung asan na sya.. kung ano nangyayari sya kanya. Bawat oras, nangangumusta. Nagsasabi ng magagandang salita.
Sa ikalawang madaling araw, maaga siya. Pagdating sa Ama Namin, hinawakan niya ang kanyang kamay ngunit binitiwan niya ito. Hindi na niya pinilit ngunit bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha. Tahimik sya hanggang paghatid.
“Bukas na lang ulit... Mahal kita.”
Sa ikatlong araw, siya pa ang nanggising sa kanya. Pagtapos ng misa, papunta sa kotse, hindi niya ito napagbuksan ng pinto. Pero sa loob ay mayroong bulaklak. Hindi ito pinansin kaya’t nilagay na lang nya sa likuran. Pagdating sa bahay, nag-almusal sila. Pagkaalis, di pa rin pinansin ang bulaklak. Tinuloy lang araw na para bang walang nangyari.. pagdating ng bahay, niligpit ang bulaklak, nilagay sa vase.. binasa ang nakasulat.
“Sorry. Hindi ko gustong mawala ka. Wala akong ibang gusto makasama, maliban sayo. Mahal na mahal kita.”
Nakakangit pero, hindi pa rin ito sapat.
Sa ikaapat na araw, bago dumating sa kanila, nagtanong na siya, “Gusto mo pa ba akong makasama sa pagsimba?”
“Let’s see...” yun lang ang sagot na nakuha niya.
Pero nagpunta pa rin siya.. nagsimba pa rin sila.
Pagkahatid, sabi lang niya, “Sana huwag na tayo mag-away. Mahal na mahal kita.”
Sa ikalimang araw, pinipigilan maglambing, pinipigilang magsabi ng magagandang salita. Tiniiis. Iniisip na, tingnan natin kung makakaya ang siyam na madaling araw na paggising ng ganito. Ngunit, dumating pa rin siya. Just in the nick of time.
Bago siya umalis, nagtanong sya, “Bati na ba tayo?”
Pero wala siyang sagot na nakuha.
Sa ikaanim na araw, pagsakay sa kotse, dalawang take-out food na breakfast ang dala niya, kasamang mainit na tsokolate.
“Breakfast tayo. Pero hindi mo kailangang magluto. Dinalhan kita ng paborito mong take out breakfast. Pinaluto ko ang itlog sa lutong gusto mo, may sabaw.”
Tinago ang ngiti. “Baka malate ka kung kakain pa tayo.”
“Hindi, ok lang malate ako. Ok lang mag-absent o maghalf-day. Ikaw naman ang kasama ko. Sulit naman ang oras ko. Walang katumbas na sweldo ang bawat minutong kasama kita.”
At saka nila pinagsaluhan ang agahan.
Sa ikapitong araw, paghatid pauwi, sabi niya, “Diba, kapag nakumpleto ang siyam na gabi, pwede akong magwish at matutupad ito?”
“Sabi nila, oo. Kapag nakumpleto mo.”
“Alam mo ba kung anong iwiwish ko?”
“Huwag! Wag mo nang sabihin, hindi magkakatotoo ang wish kapag sinabi mo ito sa ibang tao.” Tumahimik na lang sya saka nagpaalam.
Sa ikawalong araw, pauwi, inuubo na siya medyo sinisipon. Bakas sa mga kanyang mukha ang panghihina at nananamlay na ang kanyang mga mata.
“May sakit ka ba? Napupuyat ka ata masyado. Napapagod ka ata at hindi kumakain sa oras.”
“Ok lang ako.” Sabay pasok sa loob ng bahay.
Sa ikasiyam na araw, nagising pero hindi makabangon sa kama. Mabigat ang katawan, masakit ang ulo. Pagtingin nya sa oras, lagpas na! Tapos na ang misa. Nagpanic, ngunit hindi makatayo. Biglang may nalagay ng malamig na bimpo sa kanyang noo.
“Magpahinga ka, wag ka nang tumayo.”
“Pano ang simba? Hindi ko na makukumpleto.”
“May sakit ka, hindi na kaya ng katawan mo. Magpahinga ka na lang.”
“E ikaw? Nakapagsimba ka ba? Nasimulan mo ba? Natapos mo ba? Nakumpleto mo?”
Ngumiti lang siya. “Mas kailangan mong andito ako para alagaan ka. Maiintindihan Niya yon.”
“Pero.. pero.. pano ang wish mo? Ang wish… ”
“Ssshhhhhhhhh…. Ang wish mo? Ang wish ko? Ok lang. Hindi pa tapos ang siyam na araw, natupad na ang wish ko. At alam ko ring natupad na ang wish mo.”
Nakangiti niyang sinabi.
“Pano mo…… ”
“Ssshhhhh… ” nakangiti, hinawakan niya ng dalawang kamay ang kanyang pisngi.
“Mahal na mahal kita. Pagkatapos ng siyam na madaling araw, alam ko na kung ano ang kailangan mo. Alam ko na kung ano ang gagawin ko. Ako na ang bahala.”
Sabay halik sa kanyang mga labi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment