Kaibigan.
Kapatid.
Kapamilya.
Soulmate.
Bestfriend.
Wednesday, October 24, 2007
Friday, October 19, 2007
October 18, 2001
Written two years ago, by my sister and me...
"Ika-apat na taon na. Parang kahapon lang, andyan pa siya. Pipikit lang ako, nakikita ko na ang ngiti niya. Kasabay nito, ang mga mata niyang nakangiti din sayo, kalakip ang buo niyang pagkatao.
Maiisip ko ang iba't ibang uri ng buhok niya, ang mga isinusuot nyang damit na hindi masyado pinag-iisipan. Bagay ito sa kanya. Kahit na walang make up o kulay ng mga kuko niya, maganda sya.
Sasagi sa isip ko ang mga kwentong nakapagpapangiti, minsa’y nakapagpapatawa. Ang pagsuot niya ng magkaibang pares ng sapatos dahil sobrang taranta dahil kasama ang boss nya sa pag-cover ng doctor. Maaalala kong minamaneho niya si Popoy na bulok o si Beige na makalat. Ang maliit na walis at dust pan na pinanglilinis niya ng loob ng kotse. Maiisip ko ang mga notes sa banyo tulad ng "Siguruhing nakasarang mabuti ang gripo." Ang handwriting niyang mahirap intindihin, parang doktor, kahit med rep sya, hindi doktor.
Sa paglaki ko, kasama sya sa bawat parte ng buhay ko. Ang paghatid niya sakin sa unang date ko. Ang lahat ng makukulit na tanong sa mga kaibigan ko. Mga simpleng hirit nya na hindi naman sya talaga nagpapatawa pero nakakatawa.
Ang pagpili ng eskwelahan kong papasukan base sa plate number ng unang sasakyang makita niya- PLM, UPM o DLS. Ang pagsama niya saking mag-enrol, makikipila sa mahahabang enlistment classes. Iiwan ko sya sandali at pagbalik ko, kilala na nya lahat ng katabi niya. Tuwing magpapakita ako ng classcards, makikita ko ang ngiti sa mga pasadong grades. Sa hindi, sasabihin nyang "Ok lang yan, anak, next sem na lang." Oo. Anak. Ansarap sarap marinig pag tinatawag niya akong anak.
Isang beses, nagsimba kami, Mother's day sa St. Paul. May chocolates para sa mga mommy. Ediba, may kasabihan, "Ang nanay, isusubo na lang, ibibigay pa sa anak." Pero siya, ayaw niyang ibigay samin, hindi naman daw kami mommy. Kaya sinubo niya nang buo at hindi kami binigyan. Ok lang. Tsokolate lang naman ang hindi niya binigay. Pero lahat, binigay niya, wala nang natira sa kanya.
"Nag-uumapaw sa pag-ibig. Sayang naman kung matatapon. Sana may sumahod." Yan siguro yung motto nya. Nag-uumapaw sa pag-ibig, pinasahod sa amin lahat!
Isang bawan bago sya mawala sabi ng kapatid ko, "Mi, pwede ka nang magpahinga. Wag ka nang mag-alala samin." sabi niya, "Next month na lang, pagtapos ng finals nyo." At ganun nga. Namatay siya sembreak na. October 18, 2001.
Iniisip ng mga tao kawawa kami dahil maaga kaming nawalan ng mommy. Kapag sinasabi naming wala na kaming mommy, nagsosorry sila. Ang hindi nila alam, mas maswerte pa kami sa maraming ibang anak sa mundo na may mommy pa. Dahil astig mommy namin--buhay man o patay.
Nagrerebelde ang panahon. May nabasa ang kapatid ko, yung mga patay na, napupunta sa oblivion, isang sulok ng utak ng tao na nakakalimutan na. Kahit gaano man natin subukin na alalahanin, hindi tayo makakapiglas dahil sadyang ganoon lang talaga. Pero sa mga nagmamahal sa kanya, pipilitin. Tutal, utak lang naman ang nakakalimot. Ang puso, hindi."

Wednesday, October 17, 2007
Mga Tanong
Paano mo nagagawang bigyan ng halaga ang mga bagay na ginagawa ko?
Sa pahapyaw na hiling na itimpla ka ng tsaa, o sa pagtikim sa sinigang.
Para bang hindi mo ito magagawa kung wala ako, at wala nang iba pang mas sasarap na sinigang sa buong mundo.
Paano mo napaparamdam sa aking mahal mo ako?
Sa pagbibigay ng vitamin C o pangungulit sa akin. Sa paghawak sa aking kamay at paglalambing. Sa pagpapayong sa akin o paglagay ng baon na candy sa bag ko. Parang hindi mo na kelangang pag-isipan, pero nagagawa mo na lang basta.
Paano mo nababawasan ang galit, kapag napupuno na ako?
Sa pagsabi saking naiintindihan mo ako.
Parang totoong andito ka at dinadamayan ako.
Paano mo naaalis ang sakit kapag ako ay nagsusumamo?
Sa pag-salo ng sakit na nararamdaman ko, sa pag-iyak tuwing umiiyak ako.
Parang sinasalo mo ang sakit at pangungulila ko.
Paano mo nagagawang ilabas ang lahat ng dimples ko sa pagngiti mo sa akin?
Hindi na naman katulad ng dati, hindi na tayo araw araw nagkakasama.
Para bang iniipon mo ito at inilalaan sa araw na magkikita tayo.
Masaya akong nakasama kita. Pero malungkot akong magkakahiwalay na naman tayo.
Sana ay alam mong hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, hanggang tumanda na tayo.

Subscribe to:
Posts (Atom)